Saturday, August 25, 2012

Text Scams: More Fun in the Philippines


Sa makabagong panahon ng teknolohiya, lalong dumami ang manloloko at mga modus operandi. Pati sa text ay kumalat na rin. Kailangan ng ibayong pag-iingat at huwag basta magtitiwala lalo na kung hindi mo talaga kilala ang isang tao lalo na kung ang pag-uusapan ay tungkol sa pera at negosyo. Huwag kayong magpapadala sa mga pambobola nila at mabulaklak na dila. Nung linggo ay nakatanggap ako ng text message sa isang numero at taong hindi ko kilala. Narito ang kanyang cellphone number at eksaktong text na pinadala sa akin:


From: +639072980300
08/25/2012  11:45 AM

Invitation message

Gusto mo sumali ng 
networking? P888 lang 
pero mas malaki pwede mo 
kitain kumpara sa mga 
company na libo libo ang bayad.

Pakinggan molang para 
makita mo na malaking 
pinagkaiba nito sa ibang 
company at habang maaga
pa para maka pusisyon ka 
sa taas.

Marami samin dito 15-17 
years old nakaka bayad na
ng sariling tuition saka
naka bili ng kotse within 
3-4 months!

For more info: just txt ur
name/age/location
send to:
globe- 09051878237sun-
09435594123
talkntxt-09072980300


Nung una kong makita ang text na ito, naghinala agad ako dahil tagalog na nga lang, hindi pa siya marunong magsulat at magbaybay ng maayos. Halatang walang pinag-aralan ang taong nagpadala ng naturang text sa cellphone ko. Sinubukan ko pa ring tanungin kung sino siya at saan nya nakuha ang cellphone number ko. Heto ang sagot nya:

From: +639072980300
08/25/2012  11:52 AM


Nag roaming cp No. lang po
ako, hinuhula ko lang yung
mga cp no. Pinapa-kalat
ko kang yung invitation
letter


Napakaimposible na naka-roaming ang cellphone number nya dahil Talk N' Text ang gamit nyang SIM. 
Wala itong kapakanan na magroaming sa ibang bansa maliban na lamang sa Globe, Smart at Sun Cellular.
Kung nakaroaming man ang cellphone ng isang tao, P25 per message sent kapag naka-roaming ang kanyang numero. Hindi na rin niya sinagot ang tanong ko kung sino siya. Ang nakakatawa pa ay nanghuhula lang daw siya ng cellphone number?!

Dahil diyan, sinagot ko ang text niya na may kasamang mura at tinakot ko siyang taga-media ako. Heto ang reply ko sa text ng bobong manloloko: 

From: +63917******9
08/25/2012  11:54 AM


Tangina mo gago ka!
Manloloko ka ano?!
Alam mo bang taga-media ako?


Pagkaraan ng ilang minuto, sumagot din sa text ang gunggong at binaliktad pa niya ang sitwasyon. 
Basahin ninyo ang kanyang tugon sa aking text message:

From: +639072980300
08/25/2012  11:59 AM

Feeling ko ikaw ang
manloloko, hnd ka taga
media, mga media kakilala
ko malinis magsalita di
tulad mo madumi, xenxa na
sir s istorbo nag
tratrabaho langng
marangal sir. GOD BLESS


Ang kapal mg mukha niya na sabihin na ako daw yata ang manloloko. Tinawag pa akong sir, samantalang babae ako. Higit sa lahat nagsabi pa siya na nagta-trabaho daw siya ng marangal?! Talaga lang ha?!
At may GOD BLESS pa! Kilabutan ka sa mga ginagawa at pinagsasabi mong manloloko ka.
Sinagot ko siya na maghintay siya at may gagawin akong hakbang. Medyo natakot yata siya kaya nagreply siya ng ganito:

From: +639072980300
08/25/2012 12:05pm


oK, Puntahan nyo ako sa 
branch office namin para
mag usap tau


Hindi pa rin siya nagpakilala kung sino siya at kung anong pangalan ng kumpanyang pinagta-trabahuhan nya. Kaya kayo, bata man o matanda, huwag magtitiwala kung kanino lang. Marami ang nabibiktima at naloloko sa pera dahil nagpauto sila sa mga manloloko. Iwasan din ang makipag-text mate. Huwag makikipagtagpo sa hindi mo kilala. TANDAAN: WALANG MANLOLOKO, KUNG WALANG MAGPAPALOKO.

No comments:

Post a Comment